Hanggang sa dumating ang tao na ito, Naging mag kaklase kami, kalilipat pa lang niya ng school nun, ako nakaupo lang sa isang tabi habang naghihintay na magsimula ang klase. pilit kung itinatago ang aking presensya para di naman ako ang maging sentro ng usapan, tuksuhan at mga pang iinsulto. Nakayuko lamang ako at itinatago ang aking mukha.
Nang biglang pumasok ang aming guro kasama ang lalaking ito, biglang nagkaroon ng katahimikan ang boung classroom, ang mga nag iingay na mga kababaihan ay wala kang maririnig na kahit na anong salita na namutawi sa kanilang mga bibig.
Habang ang maririnig mulang mula sa mga kalalakihan ay "Psss, Gwapo pa man ko ana". kahit nag kararoon na nang katahimikan ay itinatago ko pa rin ang aking sarili. Hanggang sa sinimulan na siyang ipinakilala nang aming guro sa loob ng klase.
nagsimula siyang magsalita sa magandang boses sinabi niya ang salitang "Hi" at biglang naghiyawan ang mga kababaihan. Hindi ko alam kung bakit nanatili pa rin akong nakayuko kahit nag iingay na sila. Baka dahil sa alam ko at batid ko na kahit tumingin man ako hindi din ko din siya masyadong makita dahil sa malayo ako at nakatayo ang mga babae kung classmate sa harap niya.
Biglang naputol ang sigawan nang sinabi nang aming guro na umupo siya sa aking tabi dahil iyon na lang ang bakanteng upuan. Naramdaman ko na may papalit sa pwesto ko at unti unti kung inangat ang aking paningin sa kanya una kung nakita ang pares ng puting sapatos, brown na jeans, umbok, paakyat sa polo nang paaralan na min patungo sa kanyang dibdib at sa kanyang mapupulang labi, namumungay namata at matatangos na ilong. Ngumiti siya sa akin at sinabing "Pwedeng makigtapad nimo?"
Hindi ko alam ang sasabihin ko, ang tanging nagawa ko lang ay ang tumingin sa mga kaklase ko, nakikita ko ang galit at pinagsamang iingit sa mata nang mga kakabaihan. Habang pagkainis naman sa mata nang mga kalalakeha, maaring inis dahil hawak nang lalaking nasaharapan ko ngayon ang atensyon nang boung klase.
Binalik ko ang aking paningin sa kanya, inayos ko ang reading glasses na sout ko at tumango. inurong ko na mga kalahating metro ang aking upuan mula sa kanya sa takot na baka ako naman ang pagbuntungan nang galit nang aking mga kaklase, iniisip ko na baka i bully nanaman nila ako. Ngunit napansin ko na habang nagtuturo ang guro sa harapan ay unti unti niyang inilalalpit ang kanyang upuan patungo sa pwesto ko. Hindi ko alam kung bakit pero inilalayo ko ang aking upuan hanggang sa nakadikit na talaga ako sa dingding nang aming room. akala ko titigil na siya ngunit mas dinikit pa niya ang kanyang upuan patungo sa pwesto ko na halos isang dangkal na lang ang layo nang mukha niya sa akin at dikit na dikit ang aming braso.
Bigla siyang nagsalita at sinabing "unsa imong ngalan" napatingin ako sa kanya ngunit bigla niyang hinipan nang malakas ang aking mukha na naging dahilan nang pagdikit ng kanyang ilang laway sa glasses ko at naging sanhi ng pagkahulog ko sa upuan dahil sa gulat.
Itutuloy....

No comments:
Post a Comment